Sustained Peace. Effective Governance and Effective Constituencies
Menu
Former MP Jam's Bionote
Diamila Disimban-Ramos, also known as “Jam,” is a former member of the Bangsamoro Transition Authority Parliament. She was appointed on August 13, 2019, by 16th Philippine President Rodrigo R. Duterte and reappointed on August 11, 2022, by 17th Philippine President Ferdinand R. Marcos Jr.
She was the former Chairperson of the Committee on Women, Youth, Children, and Persons with Disabilities of the Bangsamoro Parliament. Also, she was a former member of the BTA’s Committee on Finance, Budget, and Management; Committee on Basic, Higher, and Technical Education; Committee on Trade, Investment, and Tourism; Committee on Human Settlements and Development; Committee on Science and Technology; Blue Ribbon Committee; and the Special Committee on Marawi.
ACCOMPLISHMENT REPORT FROM AUGUST 2019 – DECEMBER 2021
Tunghayan ang mga natapos at naibahaging kontribusyon ni MP Diamila Disimban-Ramos sa kanyang pagsisilbi bilang Member of Parliament ng Bangsamoro Transition Authority mula August 2019 hanggang December 2021 at sa unang bahagi ng 2022.
“Sa ating pagkakatalaga muli sa BTA bilang MP hanggang Hunyo 2025 ay mas paiigtingin pa po natin ang trabaho at sisiguruhing magagampanan ang mandatong iniatang sa atin, In Shaa Allah. Samahan nyo po ako sa aking misyon na ito, para sa bawat Bangsamoro at para sa Bayan,” ani MP Ramos.
PARA SA BANGSAMORO: MP RAMOS IN ACTION (2020 YEAR-END REPORT)
Tunghayan ang mga hakbang ng tanggapan ni MP Diamila Disimban-Ramos para isulong ang kanyang mga legislative agenda nitong 2020 sa kabila ng COVID-19 pandemic. Narito ang isa na namang espesyal na produksyon ng #TeamMPRamos, ‘PARA SA BANGSAMORO’, a 2020 YEAR-END REPORT.
Hosted by: Public Information and Media Affairs Chief Julius Disamburun.
PARA SA BANGSAMORO: MP RAMOS IN ACTION (2019 YEAR-END REPORT)
Sa loob ng apat na buwang panunungkulan o mula Agosto hanggang Disyembre 2019, ano ba ang mga ginawang hakbang para isulong ang mga legislative agenda ni MP Diamila Disimban-Ramos para sa bawat Bangsamoro? Tunghayan iyan sa espesyal na pagtatanghal ng #MPRamosInAction: ‘PARA SA BANGSAMORO’, a 2019 YEAR-END REPORT.
Hosted by: Public Information and Media Affairs Chief Julius Disamburun
PUBLIC INFORMATION AND MEDIA AFFAIRS (PIMA)
Click the icons to follow us on Facebook and subscribe to our YouTube channel
Matagumpay nating naidaos ang Camp Visitation at Rice Distribution sa Camp Nusa, Wato Balindong, Lanao del Sur nitong Disyembre 31, 2023, kung saan namahagi tayo ng tig-sampung kilong bigas sa nasabing komunidad. Binigyang-diin ng ating Supervising Political Affairs Officer-I at kinatawan, Ms. Sittie Rohanifah Palao, ang patuloy na pagsisikap ng ating tanggapan at ng Bangsamoro Government para maabot at mabigyan ng serbisyo ang mga mamamayan sa loob at labas ng rehiyon.
Naipagkaloob na sa ating 100 benepisyaryo ang tulong pinansyal sa ilalim ng 𝗕𝗮𝗻𝗴𝘀𝗮𝗺𝗼𝗿𝗼 𝗦𝗮𝗴𝗶𝗽 𝗞𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆𝗮𝗻 (𝗕𝗦𝗞), ngayong Disyembre 29, 2023 sa Brgy. Cadayonan II, Marawi City, Lanao Del Sur. Ang programang ito ay naglalayong makapagbigay ng seed capital para sa dagdag na puhunan para sa kanilang negosyo. Nakatanggap ng Php 15,000.00 ang 100 na beneficiaries mula sa ating mga scholars sa Bangsamoro Scholarship Program for Technical Vocational Education Trainings (BSPTVET) at nakatanggap rin sila ng karagdagang Php 14,400 para sa Rice Subsidy na ipinagkaloob din ng Ministry of Social Services and Development na may kabuuang Php 29,400.
Dumalo po tayo sa Groundbreaking Ceremony ng 50-unit Quadruplex Housing Resettlement Project na pinangunahan ng Ministry of Human Settlement and Development – BARMM, sa ilalim ng liderato ni Minister Atty. Hamid Aminoddin Barra, sa Barangay Kilala, Marawi City nitong Disyembre 20, 2023. Itatayo ang nasabing housing project sa 4 na ektaryang lupain na idinonate sa BARMM ni Senator Abdulazis Robin Padilla noong 2021 at ilalaan para 200 benepisyaryo na pawang Internally Displaced Families sa lungsod.
Matagumpay nating naipamahagi ang mga farm equipment at post-harvest facilities sa mga benepisyaryo mula sa Lanao del Sur, nitong Disyembre 17, 2023 sa Sahara Rice Mill, Marawi City. Nasa Php 18.7 million ang kabuuang halaga ng nasabing mga pasilidad kung saan kabilang sa mga naiturn-over ang sampung (10) units’ ng Mobile Mini Rice Mill with Destoner and 13.5 KVA Generator Sets, isandaan at dalawampu’t limang (125) piraso ng Portasol Multi-Purpose Grains Solar Speed Drying at isang (1) unit ng Four Wheel Drive Tractor (34-40HP) with Farm Implement.
Featured Videos
THE ESSENCE OF BEING A WOMAN: A DOCUMENTARY SPECIAL
Tunghayan ang dokumentaryong “𝐓𝐡𝐞 𝐄𝐬𝐬𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐨𝐟 𝐁𝐞𝐢𝐧𝐠 𝐚 𝐖𝐨𝐦𝐚𝐧.” Magkaisang inihahandog ng tanggapan ni MP Diamila Disimban-Ramos at ng Bangsamoro Women Commission – BARMM sa ilalim ng liderato ni Chairperson Bainon Karon bilang isa sa mga highlights ng selebrasyon ng 2023 National Women’s Month.
Sa botong 53 (Yes), 0 (No) at 0 (Abstain), naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Bangsamoro Transition Authority ang Parliament Bill No. 127 o mas kilala bilang ‘AN ACT EXTENDING THE AVAILABILITY OF 2020 AND 2021 SPECIAL DEVELOPMENT FUND.’
Sa botong 53 (Yes), 0 (No) at 0 (Abstain), naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Bangsamoro Transition Authority ang Parliament Bill No. 127 o mas kilala bilang ‘AN ACT EXTENDING THE AVAILABILITY OF 2020 AND 2021 SPECIAL DEVELOPMENT FUND.’
Sa botong 44 (Yes), 0 (No) at 0 (Abstain), naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Bangsamoro Transition Authority ang Parliament Bill No. 54 o mas kilala bilang BANGSAMORO EXPENDITURE PROGRAM FOR 2023.
Authorship Speech ni MP Diamila Disimban-Ramos, principal author ng Proposed Resolution No. 172, o mas kilala bilang “RESOLUTION EXPRESSING DEEPEST CONDOLENCES AND SYMPATHIES TO THE BEREAVED FAMILY OF THE LATE SHEIKH KHALIPHA USMAN NANDO, FIRST WALI OF THE BANGSAMORO TRANSITION AUTHORITY, AND EXTENDING PROFOUND GRATITUDE FOR HIS CONTRIBUTIONS TO THE BANGSAMORO.”